Mahalagang mapanatili at payabungin ang ating wikang Filipino sapagkat ito ang nagsisilbing pundasyon ng ating kultura at pagkakakilanlan. Bilang mga Pilipino, may pananagutan tayong pangalagaan at ipagtanggol ang ating wika mula sa unti-unting pagkawala nito sa ating pang-araw-araw na buhay.
Sa paglipas ng panahon, nakakalungkot na mas nakakasalamuha natin ang mga Pilipinong nahihiya o hindi kayang magsalita ng sariling wika. Bakit kaya?
May mga nagsasabi na ang Ingles ay mas praktikal at kailangan daw sa pakikipag-usap sa ibang tao sa mundo. Totoo naman na mahalaga rin ang pag-aaral ng Ingles, pero dapat hindi natin kalimutan ang ating sariling wika. Ang pagpapalaganap ng wikang Filipino ay makakatulong sa atin na higit na maunawaan at maappreciate ang ating kultura at kasaysayan.
Isa pa, ang paggamit ng wikang Filipino ay nagpapakita ng ating pagmamahal at pagmamalaki sa ating bansa. Paano?
Ikaw ba yung tipong nahihiya magsalita ng Filipino sa harap ng mga banyaga kase baka pagtawanan ka? Dapat hindi tayo mag-isip ng ganyan. Dapat nga tayong maging mas matapang at proud sa paggamit ng ating wika. Sa ganitong paraan, maipapakita natin sa kanila ang ating pagmamahal sa ating kultura at identidad.
Kung hindi natin gagamitin ang ating wika, unti-unti itong mawawala. Kung araw-araw nating sasalitain at gagamitin ang wikang Filipino, magiging mas malakas at mas buhay ito.
Narito ang ilang simple ngunit makabuluhang paraan upang makatulong tayo sa pagpapalaganap ng wikang Filipino:
Tayo, bilang mga Pilipino, ay may mahalagang papel sa pagpapanatili at pagpapalaganap ng ating wika. Sa pamamagitan ng paggamit at pagmamalaki dito, hindi lamang natin pinagyayaman ang ating kultura, kundi pinapalakas din natin ang ating pambansang identidad.
Kaya halika, mga kapwa ko Pilipino, ipagmalaki at ipaglaban natin ang ating wikang Filipino!