Joseph Marco
May lumalabas na globe ngayon na nagsasaad na may dalawang bahay at dalawang sasakyan na raw ang aktor na si Joseph Marco. Bukod dito, may sinasabi pang girlfriend na non-showbiz ito. Kaya naman, nakapanayam namin ang binata at tinanong kung totoo nga ang kumalat na tsismis.
“Yung girlfriend, oo. Dalawang taon na,” diretsahang sagot ni Joseph.
Pero agad-agad niyang nilinaw na wala silang balak pakasalan agad. “Masaya na ako. Siguro pag dumating ‘yung tamang panahon. Pero hindi pa sa ngayon,” sabi niya.
Ano ba ang mas gusto niya sa kareny na non-showbiz?
“Marami. Una, mapagmahal siya. Tsaka ‘yung respeto niya sa akin. ‘Yun ‘yung importante sa akin.”
Ayon pa kay Joseph, wala raw siyang magagawa kung sakaling balang-araw ay gustuhin ng girlfriend niyang pumasok sa showbiz.
“Siguro suportahan ko na lang, ‘di ba. Kasi kung ‘yan ‘yung gusto niya, wala naman akong magagawa. Siguro kung may time, ako na lang magiging manager niya.”
Hindi naman itinago ni Joseph ang kasabikan na magkaroon ng sarili niyang pamilya. Pero ayaw daw niyang ipilit ang mga bagay-bagay.
“Gusto ko talagang magkaanak. Pero hindi ko naman puwedeng ipilit na magkaroon kami agad. Depende ‘yun kay God. Kung kailan niya ibibigay sa amin, ‘yun ang tatanggapin namin,” sabi niya.
Samantala, itinanggi ni Joseph ang tungkol sa balitang mayroon siyang dalawang bahay at dalawang kotse.
“Wala akong bahay at wala akong kotse. ‘Yung sinasabi nilang bahay ko, bahay ng family ko. At ‘yung kotse ko, kotse ng mama ko,” paglilinaw niya.
Sa ngayon, masaya na raw siya sa mga nangyayari sa personal na buhay niya at sa kanyang career.
“Masaya ako ngayon. Successful ako sa career ko. At masaya ako sa personal na buhay ko. Kung ano man ‘yung meron ako ngayon, ayoko nang palampasin ‘to,” sabi niya.