Ayon sa PAGASA, inaasahang aalis na ang Bagyong Kristine sa bansa mamayang hapon, October 25. patungo sa West Philippine Sea at inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility.
Habang papalayo ang bagyo, magpapatuloy pa rin ang malakas na pag-ulan sa ilang mga lugar sa bansa, kaya naman pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na manatiling alerto at sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan.
Sa ngayon, nanatili pa rin ang signal number 2 sa 26 na lugar sa Luzon at Visayas. inaasahang bababa ang signal number sa mga lugar na ito habang papalayo ang bagyo.
Huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa mga awtoridad kung kinakailangan. Nawa'y manatiling ligtas ang lahat at ligtas ang ating bansa sa mga kalamidad.