Lotto results August 5, 2024




Hindi pa tapos ang kuwento ng buhay ko dahil hindi pa naman ako nakakapanalo ng lotto.


Sa totoo lang, malaki ang pagnanasang manalo ng lotto. Hindi porke’t may trabaho na ako ay kuntento na ako sa kinikita ko. Marami pa akong pangarap sa buhay na gusto kong gawin.

  • Gusto kong magkaroon ng sarili kong bahay, isa yung malaki na pwede pang dagdagan kung sakali man magkaanak na ako.
  • Gusto kong bumili ng sasakyan para hindi na ako mahirapan sa pagbiyahe papunta sa trabaho at pauwi na rin galing trabaho.
  • Gusto kong makatulong sa mga magulang ko, sa kapatid ko, pamangkin at mga inaanak ko.
  • Gusto kong makapaglakbay sa iba’t-ibang bansa para malaman ko kung ano ang mga kultura nila at ano ang magagandang lugar sa mundo.
  • Gusto kong makapagtayo ng sariling negosyo para malaman ko kung kaya ko ding tumayo sa sarili kong mga paa.

Maraming akong gustong gawin at lahat yun mukhang hindi ko magagawa kung hindi ako mananalo ng lotto.


Sa totoo lang nakakainis dahil hindi naman ako tamad magtrabaho. Gusto kong kumita ako ng maayos para matulungan ko ang pamilya ko. Ayaw ko yung humihingi ako ng pera sa kanila, mas gusto ko na ako yung nagbibigay sa kanila.

Sana naman sa susunod, mapunta sa akin ang jackpot. Para naman kahit papaano magbago na yung buhay ko. Hindi man ako mayaman pero pwede naman sigurong maging sapat para sa akin at sa pamilya ko.