Mga Oportunidad




Sila kung inaakala niyo na madami kayong opurtunidad o pagkakataon sa buhay, siguro nga tama kayo. Ang buhay ay isang swerte para sa iba o isang malaking malas para sa iba. Pero minsan din naman may mga bagay na kailangan din natin gawin upang makuha ang isang opurtunidad.
Kung may dumating na isang pagkakataon o oportunidad, nararapat lang na ito ay sunggaban. Ngunit paano nga ba natin malalaman kung ito nga ba ay isang oportunidad? Pwede natin itong kumuha ng mga pagkakataon na ito at iisip ng mga bagay kung para saan ba natin ito ginagawa at kung ano ba ang maganda na idudulot nito sa atin.
Kung susuriin natin ang kahulugan ng salitang oportunidad o pagkakataon, ito ay isang sitwasyon o pangyayari na nagpapahintulot sa isang tao na gawin ang isang bagay na gusto niya o kailangan niyang gawin. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa pagsulong o pag-unlad.
May mga pagkakataon na dumadating sa atin na hindi natin inaasahan at may mga pagkakataon naman na kailangan natin pagtrabahuhan. Anuman ang paraan kung paano dumating ang mga pagkakataon na ito, mahalagang tandaan na ang mga ito ay hindi magtatagal.
Kaya't kung may dumating na magandang oportunidad, sunggaban na ito at huwag nang pakawalan pa. Huwag nating sayangin ang mga pagkakataon na ito dahil hindi natin alam kung kailan pa ito muling darating.