Higit pa sa 150 katao na sakay ng isang commercial airliner ang nasawi nang mag-crash ang eroplano sa paliparan sa South Korea ngayong linggo.
Ayon sa mga ulat, nag-crash ang Jeju Air flight number 7C2216 sa runway sa Muan International Airport pasado alas-9 nang umaga noong Linggo. Ang eroplano ay galing Bangkok at may lulang 175 na pasahero at anim na crew.
Dahil sa impact ng pag-crash, nasunog ang eroplano. Dalawang crew members lamang ang nakaligtas sa aksidente.
Sinabi ng isang opisyal ng paliparan na nawalan ng kontrol ang eroplano habang pap landing. Sinabi pa nito na posibleng malakas na hangin ang dahilan ng pag-crash.
Ang aksidente ay tinuturing na pinakamatinding air disaster sa South Korea sa loob ng maraming taon.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng aksidente.
We use cookies and 3rd party services to recognize visitors, target ads and analyze site traffic.
By using this site you agree to this Privacy Policy.
Learn how to clear cookies here