Balita at hiyaw na naman sa ating mga manggagawa at propesyonal ang pagtataas ng SSS contribution na ipatutupad daw ngayong darating na Enero 2025.
Ayon sa Social Security System (SSS), ang pagtataas ng 1% sa contribution rate ay alinsunod sa Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018.
Ang nasabing pagtaas ay para pondohan ang mga benepisyo ng mga miyembro, lalo na ang mga retirado at may kapansanan.
Sa ilalim ng bagong contribution rate, ang mga employer ang sasagot sa one percent increase, na nangangahulugang ang kanilang contribution ay magiging 9.5 percent na. Ang natitirang 4.5% ay ibinahagi sa employee at employer na 2.25% sa empleyado at 2.25% sa employer.
Mga reaksyon sa pagtataas ng SSS contribution
Ano sa tingin mo? Tama lang ba ang pagtataas ng SSS contribution? O dapat ba itong ipagpaliban muna?