Noong ako ay bata pa, laging usapan ng nanay ko na “Mag-aaral ka ng mabuti para maging pangulo ka balang araw.”
Ngunit hindi ko na sanaap mangarap na maging pangulo dahil hirap, maingay at puro politika ang pinag uusapan. Ayoko rin ng gulo at ng mga tao na kinaiinisan ang paligid. Kaya nag aral ako ng mabuti para sakaling huwag matuloy ang aking pangarap na maging pangulo ay magiging doktor nalang ako.
Pero kahit na anong iwas ko sa mundo ng politika, naisipan ng mga kaklase ko na tumakbo ako sa pagka pangulo sa aming klase. Nagdadalawang isip ako kung tatakbo ba ako para sa posisyong ito, ngunit sa huli ay pumayag na rin ako.
Hindi biro ang kampanya, napakadalas ng pag alis ko sa bahay at puro pag-ikot na lamang ang ginagawa ko, hanggang sa dumating na ang araw ng botohan at akin nang nalaman na nanalo ako, masaya at sobrang saya ang buong pamilya ko.
Sa wakas ay naging pangulo na rin ako kahit sa klase lamang, ngunit hindi pala biro ang maging pangulo kahit sa klase lamang, lalo pa at kailangan ko pang mag aral para sa aking mga grado.
Kahit na ganun ay nag-aral parin ako ng mabuti at tinutukan ko ang aking pagiging pangulo kaya naman sa aking pagtatapos ng aking pagka pangulo ay marami ang mga nagsabi sa akin na napaka galing ko daw na pangulo, at doon ay ako natuto sa isipang tama ang hindi pag-iwas sa politika dahil maaaring ito ay isang daan upang makatulong sa iba. Kaya kung kayo ay bibigyan ng pagkakataon na maging pangulo kahit sa isang organisasyon lamang ay wag kayong mag dadalawang isip sapagkat ito ay isang magandang karanasan.